Inihayag ng Kapuso actress at TV host na si Heart Evangelista ang pagkaka-ospital niya kamakailan dahil sa isang sakit na hindi niya isinapubliko.

Sa kaniyang Instagram Stories, nagbahagi si Heart ng update tungkol sa kaniyang kalagayan, kabilang ang larawan ng kaniyang braso na may mga pasa.

"Thank you Lord I'm home and out of the woods," saad niya. "To all the nurses and doctors who were so sweet to me [especially] the ones who I could hardly speak to cause of my situation thank you for being so gentle."

"I don't like romanticizing certain situations but it was one of my hardest wake-up call. Health is wealth," dagdag ni Heart.

Bagaman hindi nagbigay ng detalye si Heart tungkol sa dahilan ng kaniyang pagkaka-ospital, sinabi naman niya na "my kidneys are happy again."

Nagpasalamat din si Heart sa kaniyang mga kaibigan na nagpadala ng mensahe, pagkain, at mga bulaklak habang nagpapagaling siya. Espesyal din niyang binanggit si John Prats dahil sa ipinadalang mainit na sabaw.

Ibinahagi rin ni Heart ang isa sa kaniyang mahahalagang natutunan mula sa kaniyang karanasan.

"Don't work for the approval of others. Work for yourself," sabi niya. "I am so done giving 200 percent just to please the ones who never liked you to begin with. I will work to make me happy and for my own personal 'purpose.'"

Heart currently hosts Kapuso game show "The People Have Spoken" with Sean Lucas. It airs Saturdays on GMA Network at 6:15 p.m. after "24 Oras Weekend."

Kasalukuyan host si Heart ng Kapuso game show na "The People Have Spoken," kasama si Sean Lucas. Mapapanood ito tuwing Sabado, 6:15 pm sa GMA Network, pagkatapos ng "24 Oras Weekend." — FRJ GMA News