Si Billy Crawford ang itinanghal na kampeon sa "Mask Singer France" Season 9. Sa naturang kompetisyon, hindi nakikita kung sino ang celebrity contestant dahil nakasuot sila ng costume.
Itinago ng Pinoy entertainer ang kaniyang katauhan sa naturang kompetisyon sa costume na Donkey o L'Ane. Sa grand finale, inawit niya ang kantang "Beat It" ni Michael Jackson.
"This was an absolutely amazing experience!" saad ni Billy sa kaniyang Instagram post.
He thanked "The Masked Singer" family for keeping him a secret for a whole month, as well as the costume designers for their patience and the adjustments they made.
Pinasalamatan niya ang kaniyang pamilya sa "The Masked Singer" na pinanatiling lihim ang kaniyang pagkakakilanlan sa loob ng isang buwan.
Pinasalamatan din niya ang mga costume designer sa kanilang tiyaga at sa mga pagbabagong ginawa nila sa kaniyang kasuotan.
Nagpasalamat din si Billy sa lahat ng bumoto at sumuporta sa kaniya.
"L'Ane was a very special character to me because I chose it with my son Amari in mind. I figured if he loved it, everyone else would too!," pagbahagi ni Billy.
"Most of all, thank You, Lord God, for giving me the courage, strength, and opportunity to compete—and on top of that, to win!" dagdag niya.
Noong 2022, nanalo si Billy sa "Dancing With The Stars France."
Sa Pilipinas, naging hurado si Billy sa "The Voice Kids Philippines." —Nika Roque/FRJ GMA News

