Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Lunes na hindi na kailangang magpakita ng negative HIV medical certificate ang mga Pinoy na bibiyahe sa Oman, at gagamit ng 14-araw na visa-free entry privilege.
Sa inilabas na pahayag ng DFA, pinasalamatan nito ang pamahalaan ng Oman sa naturang positibong pagbabago sa patakaran para sa mga bibiyahe sa kanilang bansa.
Ayon sa DFA, ang naturang hakbang ay nagsisilbing patunay na mabuti ang ugnayan ng Pilipinas at Oman.
Matatandaan na nitong nakaraang Abril nang lumutang ang naturang bagong patakaran ng Oman na nagsasaad na kailangan umano ng mga Pilipinong bibiyahe sa nasabing bansa na kumuha ng sertipikasyon tungkol sa HIV test. – FRJ GMA News

