Sa Sorsogon City, nakuhanan ng video ng dalawang nakamotorsiklo na kinakalad ang nakataling aso, ayon sa ulat sa "Saksi."
Kuha ito malapit sa palengke noong Martes.
Ayon sa Sorsogon Animal Rescue and Adoption, may lead na sila sa pagkakakilanlan ng mga sangkot pero bineberipika pa nila ang impormasyon.
Hindi pa nila alam kung buhay pa ang aso at kung saan ito dinala.
Kaya nanawagan sila sa publiko ng tulong para mapanagot ang dalawang indibidwal. — BAP GMA News
