Isang 16-anyos na lalaki ang nasawi matapos tamaan ng kidlat habang naliligo sa dagat sa Tuburan, Cebu.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima na nagtamo ng mga paso sa katawan.
Sugatan din ang isang kaibigan ng biktima na 14-anyos.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas na naliligo sa dagat ang mga biktma kasama ang tatlo pang kaibigan.
Umuulan umano na may kasamang pagkulog at pagkidlat nang mangyari ang mangyari ang insidente.
Paalala ng mga awtoridad sa publiko, huwag maligo sa dagat kapag masama ang panahon upang makaiwas sa disgrasya. – FRJ GMA News
