Sama-samang itinawid ng mga kaanak ang isang bangkay sa isang ilog sa Sitio Taban, Barangay Dalagsaan sa Libacao, Aklan, ayon sa ulat sa "State of the Nation."
Ayon sa uploader ng video, hindi raw makaakyat sa kanilang lugar ang embalsamador.
Kaya sila na mismo ang nagdala sa bangkay para dalhin sa punerarya sa bayan.
Bukod sa pagsuong sa rumaragasang tubig, hamon din ang paglalakad na inabot din ng sampung oras.
Hirap man tanggapin, nakasanayan na io ng mga residente lalo na at nasa bundok ang kanilang barangay. — BAP GMA News
