Isang sawa na may pitong talampakan ang haba ang natagpuan sa isang bahay sa kasagsagan ng ulan at baha sa La Paz, Iloilo City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabi ng barangay officials ng Barangay Gustillo na natagpuan ang sawa sa ilalim ng higaan ng isang residente.

Pinagtulungan itong hulihin ng ilang barangay officials at mga kapitbahay.

Nai-turnover na ang sawa sa La Paz Police Station bago ipinadala sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources sa Region VI. — Jamil Santos/RSJ GMA News