Patay na nang matagpuan ang isang 15-anyos na dalagita na halos isang linggo nang nawawala sa Goa, Camarines Sur.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabi ng pulisya na tatlong bata ang nakakita sa bangkay sa isang bakanteng lote Barangay Matacla.
Ayon sa pulisya, batay sa paunang forensic examination, posibleng namatay dahil sa pagsakal ang dalagita.
Wala nang iba pang sugat na nakita sa katawan o ulo ng biktima.
Isinailalim sa awtopsiya ang bangkay habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya. – FRJ GMA News
