Dahil sa system glitch ng isang bangko, marami ang nangamba sa magiging epekto nito sa kanilang bank accounts. May mga nagsabing nabawasan ang kanilang deposito at mayroon din umanong nadagdagan.

Gayunman, tiniyak ng bangko na inaayos na nila ang naging problema at maibabalik sa tama ang lahat ng deposito.

Pero kung sakaling mayroong depositor na iwinidraw o kinuha ang nadagdag na pera sa kaniyang account kahit batid niyang hindi ito ang tamang halaga ng kaniyang pera, magkakaroon kaya siya ng pananagutan?

Sa segment na "Kapuso Sa Batas" ng "Unang Hirit," sinabi ni Atty. Gabi Concepcion, na mayroon sa ilalim ng tinatawag na "solutio indebiti."

Ano nga ba ang "solutio indebiti" at ano ang mga karapatan ng mga bank depositor? Panoorin ang paliwanag ni Atty. Gabbi Concepcion:


Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

-- FRJ, GMA News