Hindi inakala ni Salvacion Latoja na mapupuno ng mga tila galit na galit na taghiyawat o "adult acne" ang kaniyang mukha. Dahil sa nangyari, mawalan siya ng kompiyansa sa sarili at napipilitang takpan ang kaniyang mukha kapag lumalabas ng bahay. May magagawa pa kayang paraan upang mawala ang mga taghiyawat? Panoorin ang pagtalakay ng programang "Pinoy MD."
Ayon kay Salvacion, napansin niya na paisa-isang lumabas ang mga nagagalit na taghiyawat nang gumamit siya ng toner. Dahil inakalang normal lang ito, ipinagpatuloy niya ang paggamit ng naturang kemikal, hanggang sa dumami at hindi na nawala.
Dahil sa mga taghiyawat, nawalan daw siya ng kompiyansa sa sarili at napipilitang maglagay ng face mask kapag lumalabas ng bahay. Nagiging mahapdi rin daw ang mga taghiyawat kapag naiinitan.
Nais man niyang ipasuri ang taghiyawat sa dermatologist, hindi raw magawa ni Salvacion dahil sa kakapusan ng pera. Kaya naman tinulungan siya ng programang "Pinoy MD" na ipakonsulta sa resident doctors na sina Jean Marquez, dermatologist at Raul Quillamor, OB-gynecologist.
Ano nga ba ang dahilan ng mga namamagang taghiyaw ni Salvacion at ano ang mga puwedeng gawin upang maiwasan at malunasan ito? Panoorin ang ginawang pagtalakay ng programa:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
