Marami ang humanga sa medical intern na tumulong sa 24-anyos na dalaga na naputulan ng braso sa isang aksidente sa MRT. Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, kilalanin ang iba pang tumulong sa biktima para maisalba ang kaniyang buhay, at maging ang naputol niyang braso.

Ayon sa isang dalubhasa, mahalaga na madala sa ospital ang isang pasyenteng naputulan ng bahagi ng katawan sa loob ng anim na oras. At sa loob ng 10 oras, dapat maikabit ang bahagi ng katawan na naputol.

Dahil sa pagtulong-tulong ng mga "good samaritan" sa dalagang naputulan ng braso, napigilan ang pagdurugo ng kaniyang sugat at mabilis siyang nadala sa ospital. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News