Inihayag ng isang doktor na dalawa sa bawat tatlong Pinoy ang mayroong mataas na kolesterol sa katawan. Alamin sa "Pinoy MD" ang mga maling paniniwala tungkol sa kolesterol at ano ang mga paraan para malabanan ang pagtaas ng antas ng bad cholesterol.
Hindi umano basta nararamdaman ng isang tao kung mataas na ang kolesterol sa kaniyang katawan. Maaari lang itong malaman sa pamamagitan ng blood test.
Paliwanag ng mga dalubhasa, mayroong dalawang uri ang kolesteros— ang High-density Lipoprotein (HDL) na magandang uri ng kolesterol, at ang Low-density Lipoprotein (LDL), na siyang kontrabida sa ating kalusugan.
Ang LDL umano ang kumukuha ng kolesterol at fat cell na naglalagay sa ugat na maaaring magpabara sa daloy ng dugo at pagmulan ng mga komplikasyon sa kalusugan tulad ng sakit sa puso.
Ayon sa mga doktor, maging ang mga kabataan ay maaaring magkaroon ng mataas na kolesterol. Kabilang umano ito sa ilang maling paniniwala na tanging ang mga matatanda lang ang maaaring tamaan nito.
Panoorin ang buong pagtalakay ng "Pinoy MD" tungkol sa kolesterol at alamin ang ilang paraan para mapababa ang cholesterol level sa katawan tulad ng pag-e-ehersisyo.
Click here for more GMA Public Affairs videos
--FRJ, GMA News
