Kilala ang pagiging guro bilang isa sa pinakadakilang propesyon sa mundo. At lalo itong pinatunayan ng tatlong guro ng Malining Elementary School sa Quezon na dalawang araw na naglalakbay, tumatawid ng mga ilog at umaakyat ng bundok para marating ang pinakamalayong eskwelahan ng probinsya at maturuan ang mga batang nais na makapag-aral.

Sa "I-Witness" report ni Kara David, panoorin ang kahanga-hanga at nakaantig na kuwento ng dedikasyon at pagmamahal sa sinumpaan nilang propesyon para makapaghatid ng kaalaman sa mga batang mag-aaral

Click here for more GMA Public Affairs videos

--FRJ, GMA News