Alam ba ninyo na maraming mahahalagang pangyayari sa buhay ng namayapang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na naganap sa buwan ng Setyembre?

Si Marcos, ang pinakamatagal na naging pangulo ng bansa na umabot ng 20 taon, ay isinilang sa Sarrat, Ilocos Norte noong Setyembre 11, 1917.

Ang kaniyang mga anak na sina Bongbong at  Irene, ay kapwa isinilang din sa buwan ng Setyembre. 

Setyembre 21, 1972 nang ideklara ni Marcos Sr. ang martial law, sa pamamagitan ng kaniyang Proclamation 1081.

Nang maganap ang EDSA revolution noong 1986, napatalsik sa kapangyarihan si Marcos. Dahil dito, napilitang manirahan ang kaniyang pamilya sa Hawaii. 

Habang nasa Hawaii, pumanaw siya noong Setyembre 28, 1989 dahil sa sakit sa edad na 72.

Pero lumipas muna ang apat na taon bago naiuwi sa kaniyang lalawigan sa Ilocos Norte mula sa Hawaii ang mga labi ni Marcos noong Setyembre 7, 1993. -- FRJ,GMA News