Sa tulong ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," nakumpirma na tunay na giant pearl na tinatayang mahigit 400 taon ang edad ang nakuha sa dagat ng mangingisdang si "Andoy" na hikahos sa buhay.
Ang higanteng perlas na posibleng umabot umano sa milyon piso ang halaga, tiyak na malaking tulong sa pamilya ni Mang Andoy para bumuti ang hikahos nilang buhay.
Ang problema, natuklasan ng "KMJS" na wala na kay Mang Andoy ang perlas matapos na "maisangla" ito sa isang tao na kaniyang nahiraman ng pera nang mangailangan siya.
Mabawi ba kaya ni Mang Andoy ang higanteng perlas? Panoorin ang pagtutok na ito ng "KMJS."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
