Nakatikim ng pagmamaliit maging sa sariling kadugo, minsan naligaw ng landas si Johnny at naging basagulero kahit pa siya'y pilay bunga ng kaniyang polio.  Nalulong din niya sa paggamit ng droga dahil sa problema sa sariling pamilya.

Pero kahit ano pa man ang kaniyang pinagdaanan, pinatunayan ni Johnny na walang imposible sa isang taong nais magbago at tahakin ang tamang daan lalo na kung may mga tao na hanggang magtiwala at magbigay ng ika nga'y second chance.

Panoorin ang episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," at gawing inspirasyon ang buhay ng isang dating pawasay na butangero na nagsikap sa buhay hanggang sa maging isang milyonaryo.

Click here for more GMA Public Affairs videos


--FRJ, GMA News