Marami ang humanga at naantig ang damdamin nang mag-viral sa social media ang larawan ng isang lalaking putol ang isang binti habang bitbit ang mabigat niyang panindang ice cream na kaniyang inilalako.

Hinanap ng "Kapuso Mo, Jessica Soho"  kung saan nakatira ang lalaki na nakilalang si Mang Topher at naninirahan sa Las Piñas kasama ang kaniyang pamilya; ang dahilan ng kaniyang pagsisikap at patas na paghahanap-buhay sa kabila ng kaniyang kapansanan.

Kilalanin at kapulutan ng inspirasyon ang positibong pananaw sa buhay ni Mang Topher, na walang balak sumuko sa mga pagsubok na kaniyang pinagdadaanan at patuloy na kumakapit sa awa ng Diyos, bagay na tila sinuklian naman sa dami ng taong nais tumulong sa kaniya. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News