Apat na bundok at isang ilog ang kailangang tawirin ng mga musmos ng Tribo Matigsalug sa Davao para lang makapasok sa eskuwelahan. Sa haba ng kanilang paglalakbay, hindi maiwasan na magutom at mauhaw ang mga bata.

Pagdating naman sa paaralan, may ilang bata na nakakatulog sa silid-aralan dahil na rin sa pagod. Bakit nga ba ganito na lang ang pagpupursigi ng mga magulang na maipasok ng paaralan ang kanilang mga anak.

Papaano naman inuunawa ang pamunuan ng paaralan ang kalagayan ng mga bata? Tunghayan ang kanilang kuwento sa video na ito ng "i-Witness."


Alamin din kung gaano kalaki ang pagpapahalaga sa edukasyon ng Tribo Matigsalug.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News