Sa programang "Pinoy MD," ipinaliwanag ng dermatologist na si Dra. Jean Marquez ang mga posibleng dahilan kung bakit maitim ang mga labi ng isang tao kahit na hindi naman siya naninigarilyo.

Isa raw sa mga posibleng dahilan nito ay ang paggamit ng matapang na sabon. Paliwanag niya, dahil manipis ang balat sa lip area ay madali itong ma-irritate.

Isa pang posibleng dahilan ay kapag lagi itong naaarawan.

Alamin kung ano ang maaaring gawin para mabawasan ang pangingitim ng labi, at ang iba pang padalang tanong ng netizens katulad ng nagkakaroon ng eye bags. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News