Bago makamtan ng mga mamamayan ng South Korea ang tinatamasa nilang kapayapaan ngayon, napasabak muna sila sa matinding digmaan sa kalapit nilang bansa na North Korea, na tinulungan ng China.

Sa pagsiklab ng digmaan noong 1950, naging bahagi ang Pilipinas ng puwersa ng United Nation na sumaklolo sa South Korea para labanan ang mga sundalo ng North Korean at kaalyado nitong China.

Balikan sa video na ito ng "Brigada" ang kabayanihan at katapangang ipinamalas ng mga sundalong Pinoy sa naturang digmaan na labis na ipinagpapasalamat, at hindi kinakalimutan ng pamahalaan ng South Korean.

Katunayan, isang dambana ang itinayo sa probinsiya ng Yeoncheon na inialay nila sa mga sundalong Pinoy. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News