Isang filmmaker ang 30-anyos na si Alex, na noong limang-buwan-gulang pa lang ay inampon sa Pilipinas ng isang mag-asawang Amerikano at dinala siya sa US. Bagaman naging maaayos naman ang kaniyang buhay, ramdam ni Alex na may kulang sa kaniyang pagkatao— ang makilala ang tunay niyang ina.

Kaya pagkaraan ng 30 taon, umuwi ng Pilipinas si Alex upang subukang hanapin ang kaniyang ina at pinuntahan ang mga lugar na nakatala sa mga dokumentong nakatala nang ampunin siya.

Sa tulong ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," magtagumpay kaya si Alex na mahanap ang kaniyang ina at malaman ang dahilan kung bakit siya nito iniwan. Panoorin ang nakaaantig na istoryang ito.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News