Viral ngayon sa social media ang isang faith healer dahil napapanood nang live sa Youtube ang kaniyang "panggamot" para magpagaling umano ng mga sakit at maging ng mga sinasabing nasasapian o nakukulam. Papaano nga ba nadiskubre ni Bro. James Vicente ang kaniyang talento na manggamot?
Dahil viral ang mga video ng kaniyang panggagamot, may mga tao na mayroong karamdaman at mula pa sa ibang lugar ang nagtutungo kay Bro. James para magpagamot. Mayroon din siyang ibinebentang bertud na "Siete Bertudes" na pangontra daw sa masasamang elemento.
Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kuwento ng ilang napagaling diumano ni Bro. James, at pati na ang pananaw ng ilang doktor. Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
