Inanunsyo ng SexBomb Girls na magkakaroon sila ng ikalimang gabi ng kanilang “Get, Get Aw” concert.
Sa kaniyang Facebook, inanunsyo ni Rochelle Pangilinan na naka-schedule na ang “Rawnd 5” sa Pebrero 8 sa SM Mall of Asia Arena.
“MGA PINALAKI NG SEXBOMB!! Dahil ayaw nyo tumigil at ayaw nyo kaming pagpahingahin… rAWnd 5 IS OFFICIALLY ON!!” sabi niya.
Nagkakahalaga mula P785 hanggang P4,500 ang mga ticket, at magsisimula ang pagbebenta ng mga ito sa Linggo.
Bago nito, nagkaroon na ng reunion concert ang SexBomb Girls sa Araneta Coliseum noong Disyembre 4 at sa SM Mall of Asia Arena noong Disyembre 9.
Gaganapin naman ang ikatlo at ikaapat na round ng show sa Pebrero 6 at 7.
Sumikat ang SexBomb sa pamamagitan ng kanilang paglabas sa isang noontime TV variety show. Hanggang sa nagkaroon na rin sila ng kanilang afternoon series na “Daisy Siete” at naging recording artists pa. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News

