Parang kuwento sa teleserye o pelikula ang istorya ng buhay ng kambal na si Flora Mae at Flora Jane ng Cebu. Mga sanggol daw sila noon nang iwan sila ng kanilang mga magulang sa isang bulag na lola na nagpalaki sa kanila. Ngayong malalaki na, ang tangi nilang hangad, makita ang mga magulang at malaman kung bakit sila inabandona.

Sa episode nitong Linggo ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabing hindi naging madali ang buhay sa paglaki nina Flora Mae at Flora Jane. Nang hindi na kasi makaya ng bulag na lola ang pagpapalaki sa kanila, ipinagkatiwala sila sa isang bahay ampunan.

Habang nagdadalaga, nagkawalay naman sila nang mabuntis ang isa sa kanila at bumuo ng sariling pamilya. Pagkalipas ng maraming taon at sa tulong na rin ng "KMJS," muling nagkita ang kambal upang magkasamang hanapin ang kanilang mga magulang.

Sa pamamagitan ng kanilang birth certificate, nagkaroon ng pagkakataon ang magkapatid kung saan nila hahanapin ang kanilang magulang. Pero magugulat sila sa kanilang matutuklasan. Panoorin.

 

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News