Tatlong-taon-gulang lang noon si Raven nang una siyang maitampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" dahil sa pambihira niyang laki. Pagkaraan ng isang taon, kumustahin natin ang tinaguriang little giant ngayong nag-aaral na siya. Naging malinaw na rin kung ano ang kaniyang kondisyon at ano ang maaaring gawin para mapigilan ang mabilis niyang paglaki.

Kahit matangkad, napag-alaman na hirap maglakad nang malayo si Raven at sensitibo rin ang kaniyang pandinig. Kaya naman daw kapag may nadidinig itong malakas na ugong ng mga sasakyan, umuupo ang bata at tinatakpan ang kaniyang tenga.

At tulad ng karaniwang bata, may sumpong din si Raven, malambing at mahilig maglaro.

Tunghayan ang kaniyang kuwento at kilalanin ang isang Pinoy sa Norway na itinuring pamilya na si Raven at nagpapadala ng tulong sa kaniya. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News