Isang museo sa Carcar, Cebu ang umano'y nababalot ng kababalaghan dahil mayroon daw itong madugong nakaraan. Kabilang daw sa namamahay dito ay ang kaluluwa ng isang babaeng nakaitim at isang batang mapaglaro.
Kasama ang "Kapuso Mo, Jessica Soho," nagsagawa ng pagsisiyasat ang paranormal investigator na si Ed Caluag sa museo. May mga pangyayari din na nakuhanan at nadinig sa inilagay na CCTV camera tulad ng aninong naglalakad at tinig ng isang babae na tila na umaawit.
Ano ang mga natuklasan ni Caluag sa museo at makumbinsi kaya nila ang babaeng nakaitim na lisanin ang lugar? Alamin din ang paliwanag ng mga video expert sa mga misteryosong nakuhanan sa CCTV. Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
