Sa programang "Pinoy MD," tinalakay ang pagkakaroon ng "oily" na mukha ng isang tao at kung paano ito maiiwasan.

Ipinaliwanag ng dermatologist na si Dr. Jean Marquez, na natural lang sa tao na gumawa ng "sebum" ang kaniyang balat para sa hydration at proteksyon sa iba pang kemikal.

Pero kung may "oily skin" ang isang tao, dapat pumili ng tamang uri ng produkto o skin care regimen na nababagay sa kaniya dahil hindi ganap na kontrolado ng tao ang stress o hormone fluctuation.

Umiwas din sa sobrang pagkain ng mga matatamis at dairy products.

Isa si Nicko Zaplan na mayroong oily face, hanggang sa sinubukan niya ang baretang sabon. Magmula raw noon, kuminis na ang kaniyang mukha at tatlong taon na niya itong ginagamit.

Gayunman, hindi pa nirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng sabong bareta, dahil sensitibo ang balat sa mukha, partikular sa paligid ng mata at bibig.

Panoorin ang buong pagtalakay sa video na ito:

-- Jamil Santos/FRJ, GMA News