Sa kabila ng sinasabing pag-unlad ng bansa, nanatiling problema sa Pilipinas ang pagiging bansot o "stunted" ng mga bata. Ano nga ba ang dahilan nito at ano ang ginagawang aksyon ng gobyerno para malutas ang problema?

Sa programang "Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie," binanggit ni Azucena Milana-Dayanghirang, Executive Director ng National Nutrition Council, na 33.4% ng mga bata sa Pilipinas ang stunted noong 2015.

Target aniya ng NNC na maibaba ito sa 21.4% ang bilang ng mga batang stunted sa pagtatapos ng 2022, na siya ring pagtatapos ng Philippine Development Plan.

Inilahad ni Dayanghirang na 32 probinsya sa Pilipinas ang focus provinces ng feeding program ng gobyerno.

Ayon naman sa Save The Children, isa sa apat na mga bata ang "stunted" sa Metro Manila noong 2015.

Sinabi ni Dr. Amado Paraan, Health and Nutririon Advisor ng Save The Children Philippines, na may programa ang Navotas, Caloocan at Malabon, at nakikita rin nilang may mga nakahandang estratihiya ang Malabon.

Alamin ang mga lugar na maraming batang bansot at ano ang mga hakbanging ginagawa ng mga LGU para hanapan ng solusyon ang problema. Panoorin ang video sa itaas.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News