Sa pagpasok ng 2020, binalikan ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang ilan sa mga naging trending na kuwento nitong 2019. Kabilang na rito ang mala-teleseryeng eksena sa isang simbahan sa Misamis Oriental nang ipatigil ng legal wife ang kasal ng kaniyang mister sa isa pang babae.

Tunghayan din ang kuwento ng mga internet sensation na sina "Big Papa" Dante Gulapa at fashion designer na si Mimi Sanceduche. Panoorin.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News