Dating factory worker si Haidee, na para madagdagan ang kita, patago siyang nagpupuslit ng mga mani at sampalok na itinitinda niya sa mga kasamahan sa pabrika. Ngayon, isa na siyang milyonarya na kumikita ng P100,000 hanggang P500,000 kada buwan sa pamamagitan ng Facebook live selling ng mga produktong RTW o ready to wear.

Kilalanin sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" si Haidee, na mula sa pagiging hikahos ay nakapagpundar na ng bahay at lupa at nakatutulong pa sa kaniyang mga kaanak.

Ang mga produkto raw na kaniyang ibinebenta sa netizen, iminomodel ng ilan niyang mga tauhan. Bagaman may mga bumibili na bogus, hindi raw ito naging dahilan para panghinaan siya ng loob.

Alamin din ang kaniyang teknik sa negosyo para maging matagumpay sa pag-o-online selling na usong-uso ngayon. Panoorin ang video.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News