Sa Facebook page na "Rudy Baldwin," inilalagay ng isang umano'y psychic ang mga nakikita niyang kalamidad na magaganap, hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa. At may nanalo na rin daw sa lotto dahil sa mga numero na kaniyang ipino-post.

Sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," kilalanin si Rudy Baldwin na umano'y nahulaan ang ilang trahediya, tulad ng naganap sa Turkey, at maging ang nakaraang pagputok ng Taal volcano, na kaniyang ipinost sa FB ilang araw lang bago maganap ang pag-alburoto ang bulkan.

Papaano nga ba niya nakikita ang kaniyang pangitain at ano ang mga nakikita niyang kalamidad na magaganap? Tunghayan din ang kaniyang tips kung papaano raw dapat pumili ng winning combination sa lotto. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News