Madalas na panakot ng mga nakatatanda sa mga bata na tutubo sa loob ng tiyan ang  mga buto ng prutas kapag nalunok gaya ng santol o pakwan.

Kaya naman sa isang video na nag-viral sa social media kamakailan, marami ang naaliw sa isang bata na nakalunok ng buto ng pakwan at todo ang iyak nang sabihan siya na tutubo sa kaniyang katawan ang buto.

At kahit todo siya sa kakaiyak, sinabihan niya ang kaniyang magulang na gusto niyang magpaduktor para alisin ang isang piraso ng buto ng pakwan na kanilang nalunok.

Pero maaari nga bang tumubo ang buto ng prutas sa loob ng ating katawan? Panoorin ang video na ito ng "AHA!" at alamin kung ano ang nangyayari sa mga kinakain natin kapag nasa loob na ng ating katawan.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News