Sa "Fact or Fake" ni Joseph Morong, sinuri ang ilang kumakalat na impormasyon sa social media tungkol sa mga gamot daw sa COVID-19, tulad ng saging at paglanghap ng mainit na tubig na may asin. Epektibo nga kaya ang mga sinasabing lunas na ito?

Ayon kay Dr. Oyie Balburias, isang internist, mayaman sa potassium at may kaunting mineral ang saging.

"Hindi 'yon magiging sapat para talagang magawa ng ating immune system ang trabaho niya inndefending and repairing out body. In a way ang saging may mincronutrients na laman," paliwanag ng duktor.

Pero paglilinaw niya, ang immune system ang talagang lumalaban sa kahit anong impeksyon na maaaring makaapekto sa katawan ng tao.

Ang mainit na tubig na may asin naman, may potent anti-inflammatory effect kapag congested ang ilong, pero hindi pa rin nito mapapatay ang coronavirus.

Panoorin ang buong talakayan.


--Jamil Santos/FRJ, GMA News