Ang most common skin problem na acne--kasama ang white at black heads--ang madalas umanong itanong ng mga netizens at mga nanonood ng programang "Pinoy MD."

Ayon sa dermatologist na si Dra. Jean Marquez, hindi kataka-taka na marami ang nag-aalala sa acne dahil nakaapekto ito sa social life at self esteem ng mga tao.

Katunayan, halos lahat ng tao ay nagkakaroon nito, lalo na ang mga kabataan.

Pero ano nga ba ang karaniwang dahilan ng paglabas ng acne at papaano ito maiiwasan? Panoorin sa video ang paliwanag ni Dra. Jean.

Kasabay nito, ipinaliwanag din ni Dra. Jean kung papaano nakakaapekto ang ating kinakain sa pagdami ng acne tulad ng sobrang pagkonsumo ng asukal at iba pang poor eating habits.  Panoorin.


--FRJ, GMA News