Kabilang sa mga pagbabagong magaganap sa EDSA ay ang paglilipat ng sakayan at babaan ng mga pasahero ng bus--na mula sa kanang bahagi ay magiging sa kaliwang bahagi na ng EDSA.

Sa pagbisita sa "Wowowin-Tutok To Win" ni Kuya Wil, ipinaliwanag ni MMDA spokesperson Celine Pialago, na mayroong long term plan sa EDSA kung saan ipapalipat din ang pintuan ng mga bus sa kaliwa para mas ligtas ang mga pasahero.

Lalagyan din umano ng elevator at mga rampa ang mga istasyon sa bahagi ng MRT na gagawing loading at unloading ng mga bus.

At ang mga bus, magiging moderno na rin umano tulad ng mga P2P (point to point) bus na bumibiyahe na ngayon.

Tanong ni Kuya Wil, ibig bang sabihin nito ay aalisin na rin sa EDSA ang mga luma o ordinayong mga bus? Alamin ang naging paliwanag ni Pialago sa video. Panoorin.


--FRJ, GMA News