Matapos makipag-away sa kasama niyang aso, nagkaroon ng "proptosed eye" o lumabas ang mata ng Shih Tzu na si Sasha.

Dahil hindi kaagad nadala sa clinic si Sasha, nabalot na ng nana at may impeksiyon ang mata ng aso.

Maibalik pa kaya ni Doc Ferds Recio ang mga mata ni Sasha? Panoorin ang video at alamin kung ano ang dapat gawin kapag nagka-proptosed eye ang inyong fur baby.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News