Tulad ng maraming babae, pangarap din ni Delfa na maikasal sa harap ng dambana. At kahit 67-anyos na siya, hindi siya nawalan ng pag-asa at nakahabol pa sa ika nga'y huling biyahe sa pag-aasawa.

Ang kaniyang naging forever, ang lalaking laman ng kaniyang panaginip at mas bata sa kaniya ang edad—si Dodot, 58-anyos at isang binata.

Si Delfa, dati na palang nagkaroon ng nobyong nais siyang pakasalan pero tinanggihan niya dahil hindi naman siya nagmamadaling mag-asawa.

Ang lalaki, lumayo habang itinuon naman ni Delfa ang atensiyon sa pag-aalaga sa kaniyang mga magulang.

Pero ang babaeng inakala ng marami na habambuhay nang magiging dalaga, napanaginipan ang kaniyang "the one" na si Dodot, at hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na siya'y maikasal.

At sa kabila ng kanilang mga edad at kahit pa harangan sila ng putik, hindi sila nagpatigil sa kanilang road to forever ang dalawa.

Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang love story nina Delfa at Dodot, at maging inspirasyon sa iba na patuloy na naghihintay sa lalaki na laman ng kanilang panaginip. Panoorin. —FRJ, GMA News