Sa mga panahon ng kagipitan, lumalabas ang pagmamalasakit ng mga Pilipino sa kanilang mga kababayang nangangailangan. Gaya ng ilang tinatawag na "influencer" sa social media na ginamit ang kanilang kasikatan para magbigay ng tulong at magsalba ng buhay.

Ang isang magkasintahan na sikat sa gaming community, nailigtas ang buhay ng isang munting sanggol na umaasa sa oxygen pero paubos na at walang mapagkukunan nang humagupit ang bagyo.

Kilalanin ang ilan sa mga influencer with a heart at ang ginawa nilang kabayanihan sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


--FRJ, GMA News