Kahanga-hanga ang ipinakita ng isang stroke survivor, isang 101-anyos na senior citizen, at persons with disability (PWD), na sa kabila ng kanilang mga kalagayan ay nagtungo pa rin sa polling precinct upang bumoto ngayong Eleksyon 2025.Sa ulat ng GMA Integrated News, sinabing matiyagang pumila ang 101-anyos na si Romeo Santana sa San Miguel Elementary School sa Pasig.Ayon kay Lolo Romeo, maayos ang kaniyang pagboto nang asikasuhin siya mula sa paghahanap ng presinto hanggang sa pagpunta sa classroom.“Ang mga binoto ko ‘yung mga talagang mapagkakatiwalaan na makatutulong sa bayan. Siyempre karapatan ko ‘yun para mayroon akong say sa puwedeng mangyari sa bayan,” sabi ni Romeo Santana, 101-anyos na botante.Gayunman, kabaligtaran ito sa karanasan ng isa ring senior citizen sa Zamboanga City naman, na nadulas dulot ng lubak at basang daan.Walang medical personnel na agad dumating upang umasikaso sa kaniya.Nasa maayos namang kondisyon ang senior citizen at hinarangan na rin ang madulas na daanan upang maiwasan ang katulad na insidente.Hinangaan din ang isang ginang na stoke survivor na iika-ika at inaalalayan ng kaniyang asawa pagkarating sa Santa Cruz Elementary School sa Dasmariñas, Cavite.Edad 68 na ang ginang at dalawang beses nang na-stroke.Kabilang ang lola sa mga maagang dumating para sa early voting mula 5 a.m. hanggang 7 a.m. na inilaan para sa mga senior citizen, persons with disabilities (PWD), mga buntis at indigenous peoples (IP). Maaari pa rin naman silang bumoto pagkaraan ng naturang oras.Isang 75-anyos na senior citizen naman ang pinakauna sa pila sa Commonwealth Elementary School sa Quezon City.Bukod sa gusto niyang makaboto nang maaga, ayaw din ni lolo na maabutan ng mahabang pila dahil sa dami ng registered voters sa lugar.Hindi naman iniinda ng 85-anyos na si Lola Aurea Arceño ang kaniyang mahinang katawan at dumating pa rin upang bumoto sa Bais City Pilot School sa Negros Oriental.Sa Taguig City naman, tinulungan ng Red Cross volunteers ang isang ginang na nahilo at nahirapang huminga habang nasa Taguig National High School.Nangailangan din ng atensiyong medikal ang isang (PWD sa Dasmariñas, Cavite nang mahirapang huminga at makaranas ng paninikip ng dibdib.Kagagaling lang ng lalaki sa ospital, ngunit pinilit niyang pumunta sa polling precinct para makaboto.Sa San Fernando, Pampanga, isang babaeng partially blind ang inalalayan ng kaniyang mag-anak para makapunta sa botohan.Sa Lapu-Lapu City, Cebu naman, isang 60-anyos na ginang ang dumating dala-dala ang isang oxygen tank.May sakit siyang Chronic Obstructive Pulmonary Disease (OCPD) at bawal ma-expose nang matagal sa usok, alikabok at mga kemikal.Batay sa datos ng Commission on Elections, nasa 29% o mahigit 68 million registered voters ang edad 60 pataas sa buong bansa.Taong 2023 nang umpisahan ng Comelec ang early voting period para sa vulnerable sector upang hindi makasabay sa pagdagsa ng ibang tao ang mga botanteng may special needs. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated NewsFor more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.