Ngayong dumarating ang mga bagyo sa bansa, kinakailangan ng ibayong paghahanda. Anu-ano nga ba ang mga dapat ilagay sa “Go Bag” o emergency kit kung sakaling kinailangang lumikas?

Sa GMA News Unang Balita, sinabing kabilang sa mga dapat dalhin ang mga ready-to-eat na pagkain,  tubig, battery-powered na radyo at flashlight.

Dapat ding magdala ng mga battery, makapal na lubid, pito, jacket at kumot, trash bag at utensils.

Kasama rin dapat ang mga face mask, hygiene kit at first aid kit.

Hindi rin dapat kalimutan ang mga importanteng dokumento at ilagay sa ligtas na lalagyan na hindi mababasa.

Bukod sa paglikas dahil sa bagyo, nakasaad sa ibang naunang ulat na magagamit din ang "go bag" sa iba pang kalamidad gaya ng lindol.

Inirerekomenda na makabubuting tatagal ng hanggang tatlong araw ang pagkain na dala upang may reserbang makakain hanggang sa panahon na makahingi ng saklolo sakaling malagay sa alanganing sitwasyon – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News