Babala, maselan ang paksa tungkol sa pang-aabuso: 

Matapang na ibinahagi ni Phoebe Fructuoso ang kaniyang kuwento nang pagsamantalahan siya ng kaniyang itinuring mga kaibigan noong 18-anyos siya, at kung paano niya hinarap ang trauma upang itinuloy ang kaso ng walong taon hanggang sa makulong ang isa sa mga akusado.

Sa kaniyang guesting sa podcast ni Kara David na “i-Listen,” binalikan ni Phoebe ang ilang pangyayari matapos ang insidente.

“Actually 'yung house ko po, madami pang CCTV. Nakita po namin 'yung exact na paghatid, pagbaba ko, hanggang pagpasok ng bahay, pag-akyat sa stairs on how traumatized I really looked nu'ng pag-uwi,” kuwento ni Phoebe.

Ayon kay Phoebe, founder ng PAVE Philippines o Promoting Awareness & Victors Empowerment, hindi niya kaagad niya sinabi sa kaniyang pamilya ang nangyari sa kaniya at nagpatuloy siyang pumasok sa eskuwelahan.

“I actually didn't tell my family din po for two weeks. Kasi kahit ako po, hindi ko din po ma-process na ano po talaga nangyari. So I still went to school, but I broke down. I broke down when I saw them in school,” pagbahagi niya.

Gayunman, halatang umiiwas ang kaniyang mga kaibigang na nanamantala sa kaniya.

“For the first few days after the incident, hindi po sila pumapasok sa classes ko. Pumapasok sila parang sa ibang class po siguro. But in my classes, they weren't there,” sabi ni Phoebe.

Cheerleader noon si Phoebe at pansamantala niya itong naging labasan ng kaniyang mga nararamdaman. Ngunit napansin din kalaunan ng kaniyang mga kasamahan na may kakaiba sa kaniya.

Muling nanumbalik ang kaniyang trauma nang muling makita ang mga nanggahasa sa kaniya.

“So parang nahalata nila, she has no spirit, she has no pet. I was keeping it quiet all to myself. They're the first ones that pointed it out, ‘Phoebe, what's wrong?’ Because in the gym, biglang lumabas 'yung mga boys, dumaan. Siguro hindi nila alam na pumasok pa rin ako. Nu'ng nakita ko sila, that's when I broke down,” patuloy niya.

Dito na nalaman ng iba pang cheerleader ang nangyari kay Phoebe, at hinikayat nila siya na magpatingin.

“‘God will get me through this. I'm okay. Like, I really didn't wanna burden my mom or anyone,’” pag-alala ni Phoebe na sinasabi niya sa mga kaibigan. “Pero ‘yung friends ko, ‘Phoebe, like, no, do something.’”

Panoorin ang buong episode kung paano prinoseso ni Phoebe ang nangyari sa kaniya at humugot ng lakas, at inilaban ang kaniyang kaso hanggang sa makaharap niya ang mga nang-abuso sa kaniya sa korte. -- FRJ GMA Integrated News