Sa Maragusan, Compostela Valley, ipinaayos ang isang kalsada na hindi maayos ang pagkakagawa matapos mag-viral sa social media ang larawan ng batang babaeng halos naligo sa putik.
Sa ulat ng QRT ngayong Biyernes, nakangiti pa rin ang batang babaeng ito kahit napuno ng putik ang kanyang uniform habang pauwi sila ng kanyang ama mula sa eskuwelahan.
Ayon kay sa kanyang ama na si Nel Tatskieboy Paulines, umulan nang malakas kaya napuno ng putik ang halos isang kilometrong kalsada.
Hindi raw kasi maayos ang pagkakagawa rito matapos ang road widening. Wala raw silang ibang madaanan kaya tiniis nila ito.
Pero nang mag-viral ang larawan, sinimulan na raw ayusin ito. —JST, GMA News
