Viral ngayon ang isang carwash boy na may kakaibang estilo sa paglilinis ng mga sasakyan sa Tiaong, Quezon.

Sa ulat ni Saleema Refran sa GMA News "Balita Pilipinas" nitong Biyernes, makikita sa video ang mahusay na paghagis at pagpapaikot ni Ramil Hitana, a.k.a. Amay, ng basahan sa ere habang pinupunasan ang isang van.

Bigay-todo pa si Amay sa kaniyang pagpunas ng basahan.

Sinabi ng uploader na palagi itong ginagawa ni Amay.

Umabot ng mahigit dalawang milyong views sa Facebook ang video ni Amay. —Jamil Santos/JST, GMA News