Dahil sa mga puna tungkol sa "bigas" na ibinigay sa buntis na tinanggalan ng bubungan ng kaniyang kahera dahil walang pambayad ng upa, napilitan si Kuya Wil na ipinakita na ang lahat ng tulong na kaniyang ipinagkaloob sa ginang at sa dalawang iba pa nitong kapitbahay.

Una kasing ipinangako ni Kuya Wil na bukod sa pera ay magbibigay pa siya ng tig-dalawang sako ng bigas sa buntis at sa isa nitong kapitbahay. Pero sa lumabas na ulat, ang nakita lang ng mga tao ay ilang kilo ng bigas na nakalagay sa relief goods.

Sa programang "Wowowin-Tutok To Win," ipinaliwanag ni Kuya Wil na bigay ng sponsor na Frontrow ang naturang relief goods.

Hindi na raw sana niya nais na ipakita pa ang mga tulong na ibinigay niya sa ginang pero kailangan niyang gawin para makita ng mga pumupuna na talagang kasamang naibigay ang ipinangako niyang tig-dalawang sako ng bigas. Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News