Dalawang "Maribel" ang parehong nawala sa Divisoria sa magkaibang araw noong 1989. Bagaman unang nagkilala sina Maribel Perez at Aling Virginia, nagnegatibo naman ang kanilang DNA test kahit walong taon na nilang inakala na magkadugo sila.

Matapos maitampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kuwento nina Maribel at Virginia, isang "Maribel" din ang nakipag-ugnayan sa programa na naniniwalang siya ang "Maribel" na hinahanap ni Virginia.

Kasunod nito, isang Aling Susan naman ang lumutang na nagsabing siya naman ang tunay na ina na hinahanap ni Maribel Perez.

Kaya naman upang malaman ang katotohanan, isinalang sa DNA test ang dalawang Maribel at sina Aling Virginia at Susan para alamin kung sino sa kanila ang tunay na magkadugo.

Panoorin ang rebelasyon sa video na ito ng "KMJS."

--FRJ, GMA News