Isang babae ang inabutan ng panganganak sa loob ng isang pampasaherong bus sa Tabuk, City, Kalinga nitong Lunes ng hapon.

Masuwerteng may isang barangay health worker na kapwa pasahero sa bus na siyang nagpaanak sa babae sa dakong 1:50 p.m.

Isang malusog na babaeng sanggol ang iniluwal ng ginang, at nasa maayos na kalagayan na ang mag-ina.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), galing sa Bontoc, Mountain Province ang bus na sinasakyan ng ginang.

Agad na rumesponde ang BFP sa insidente at isinugod ang mag-ina sa isang pagamutan sa Tabuk. --Peewee C. Bacuño/FRJ, GMA News