Biglang nanghina at tuluyang nawalan ng malay ang 70-anyos na si Leopoldo Aguilar. Sa ospital, natuklasan na nakaranas siya ng stroke. Ano nga ba ang dahilan nito at papaano maiiwasan?

Sa programang "Pinoy MD," sinabing isa sa mga epekto ng stroke ang pagkakaroon ng memory loss. Naaapektuhan din nito ang iba pang parte ng katawan.

Ipinaliwanag ng dalubhasa na nangyayari ang stroke kapag nagkukulang ng oxygen supply sa utak kung nagkakaroon ng pagbabara ng cholesterol plaque.

Dating jeepney driver si Lolo Leopoldo na mahilig sa matatabang pagkain. Pero hinihinalang nakaapekto rin sa kaniyang kalusugan ang pagkakatigil niya sa pamamasada nang magkaroon ng lockdown dahil sa pandemic.

Dahil sa stroke, naapektuhan ang memorya ni Lolo Leopoldo at ang kalahating bahagi ng kaniyang katawan mula sa balikat pababa.

Ngunit papaano nga ba makakaiwas sa stroke at ano ang maaaring gawin ng mga tinamaan ng sakit na ito para maibalik ang kanilang memorya at maigalaw ang parte ng katawan na naapektuhan? Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News