Labis ang paghihinagpis ng isang mag-asawa nang malamang hindi nila sanggol ang kanilang inaalagaan dahil naipagpalit pala ng fertility clinic ang embryo o "itlog" para sa kani-kanilang nilang anak.

Lumitaw na sumailalim ang mag-asawang sina Alexander at Daphna Cardinale sa in vitro fertilization (IVF), o pagbuo ng bata sa pamamagitan ng pagsasama ng itlog ng babae at selula ng lalaki sa isang petri dish o test tube.

Sa video ng litigation law firm na Peiffer Wolf Carr Kane and Conway, na mapapanood din sa GMA News Feed, sinabi ni Alexander na iba ang kaniyang pakiramdam sa kanilang anak noong isilang ito ng kaniyang misis.

"The moment our second daughter was born should have been among the happiest of my life. But I immediately felt shaken and confused as to why I didn't recognize her. Falling in love with our new baby and seeing our family of four come into focus while at the same time constantly fighting nagging questions and pushing down dark thoughts of doubt, it was truly my hell," ani Cardinale.

May isa nang anak ang mag-asawang Cardinale.

Pagkaraan ng dalawang buwan, tila napansin ng mag-asawa na iba ang hitsura ng kanilang baby kumpara sa kanilang panganay. Tila iba rin ang lahi ng bata.

Sa pamamagitan ng DNA test kit na kanilang binili, nakumpirma nilang hindi nila anak ang ipinagbuntis at isinilang ni Daphna.

"Alexander and I were devastated. We missed an entire year of our daughter's life. I didn't get to experience being pregnant with her or birthing her. We missed her entire newborn period. The heartbreak and confusion cannot be understated. Our memories of childbirth will always be tainted by the sick reality that our biological child was given to someone else and the baby that I thought to bring into this world was not mine to keep" sabi ni Daphna.

Sumangguni sa abogado ang mag-asawa para makipag-ugnayan sa fertility clinic, kung saan inamin ng staff ng pasilidad na naipagpalit nga ang mga embryo.

Gumawa ng aksyon ang clinic, at nahanap ang mag-asawa na nakakuha sa kanilang tunay na anak.

Matapos makumpirma sa DNA test kung sino ang totoong magulang ng mga sanggol, ipinagpalit sila at nakauwi sa mga tunay nilang pamilya,

"The daughter we raised and bonded with was gone after months of love and affection. There's no way to describe the pain that we've been through," sabi ni Daphna.

Nagsampa ng kaso ang parehong pamilya laban sa fertility clinic.

Makikita naman sa video ng Peiffer Wolf Carr Kane and Conway ang kauna-unahang pagkakataon na nayakap at nakapiling ni Alexander ang bunso niyang anak.--FRJ, GMA News