Isang mananaya rin lang ang nanalo ng mahigit P162 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55  draw nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 29, 2021.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na isang mananaya lang ang nakakuha ng winning combination sa naturang draw na 29-42-12-41-01-35.

Umabot ang kabuuang premyo nito sa P162,347,069.60.

Nito lang nakaraang Biyernes, isang mananaya rin lang ang nanalo ng mahigit P378 milyong premyo sa Ultra Lotto 6/58 draw.

Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong Megalotto 6/45 draw nitong Lunes, na ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 01-23-38-08-17-30  , at mahigit P52 milyon ang premyo.-- FRJ, GMA News