Habang papalapit na ang koronasyon ng Binibining Pilipinas, sinabi ni Herlene Budol na naging makabuluhan ang pagsali niya sa naturang beauty pageant.

Kamakailan lang, binisita ni Herlene ang lugar kung saan inaalagaan ang ilang nakatatanda at mga batang may kapansanan.

Para kay Herlene, wala raw katumbas na halaga ang kaniyang pakiramdam na makatulong sa kapuwa.

"Sobra po akong na enlighten sa pag sali sa prestihiyosong patimpalak ng @bbpilipinasofficial," sabi ni Herlene sa Instagram post.

ADVERTISEMENT

"'Yung alam ko may purpose ako at hindi lang batayan sa ganda. Bonus na lang kung palarin si Hipon Girl nyo kung maka sungkit ng isang Corona," patuloy niya.

 

 

Sabi pa ni Herlene, "Manalo man o matalo ako sa patimpalak. atleast masasabi ko sarili ko na worth etong pagsali ko sa pageant. Thank you Lord sa lahat ng blessings na tinatamasa ko ngayon."

Nagbigay din siya ng maigsing mensahe para sa kaniyang namayapang lola.

"To my Nanay Bireng in heaven, sana proud ka sa mga Achievement ko. Mahal na mahal kita at gagawin ko etong inspirasyon at gagalingan ko performance ko sa darating na Coronation [night]," ani Herlene.

Gaganapin ang Binibining Pilipinas 2022 coronation night sa July 31.—FRJ, GMA New